NUJP, kinonda ang pambabatastos ni Environment Secretary Gina Lopez sa isang lady reporter

Manila, Philippines – Kinondenang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang panghihiya atpambabastos ni Environment Secretary Gina Lopez sa isang lady reporter nanag-interview sa kanya hinggil sa isyu ng pagmimina sa bansa.
 
Nairecord pa ng reporterng business mirror na si Janina Lim ang sinabi ni Lopez nang matiyempuhan saisang ambush interview.
 
Batay sa video ni Lim,sinabihan siya ng kalihim ng “just a f—ing employee” at kinuwestiyon angbagitong journalist na walang puso para sa mahihirap.
 
Pero depensa ni Lopez,nagmamadali siya noon dahil may hinahabol na tv interview kaya nakapagsalita nghindi maganda at nawalan ng kontrol sa sarili.
 
Samantala, nanindiganang business world na pagiging professional at pagiging patas ni lim pagdatingsa pamamahayag.
 
Giit ni Roby Alampay, EditorIn Chief ng naturang pahayagan, nakakalungkot ang pag-atake at paninira saintegridad ng isang mamamahayag na ginagawa lang ang kaniyang trabaho.
 
 
 
 

Facebook Comments