Magsasagawa ang National Union Journalist of the Philippines (NUJP) ng isang candle lighting ceremony para gunitain ang ika-sampung taong anibersaryo Maguindanao massacre.
Base sa Facebook post, sinabi ni NUJP chairperson Nonoy Espina – gaganapin ito sa bantayog ng mga bayani sa Quezon City.
Ikakasa sa event ang countdown para sa anibersaryo ng malagim na masaker na nangyari noong November 23, 2009.
Ang seremonya ay gaganapin ng alas-6:00 ng gabi.
Iniimbitahan ng NUJP ang mga miyembro ng media, justice advocates, mga kaibigan at tagasuporta na magsama-sama para bigyang ala-ala ang madugong pag-atake sa mga mamamahayag.
Nabatid na nasa 58 ang nasawi kabilang ang nasa 32 mamamahayag na itinuturing na ‘worst election-related violence’ at ‘worst attack on journalist’ sa kasaysayan ng bansa.