Manila, Philippines – Muling pinaalalahanan ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) sa mga miyembro ng media na nagko-cover ng bakbakan sa Marawi na mag-ingat at sumunod sa itinakdang safety precautions.
Kasunod na rin ito ng insidente ng isang Australian journalist na tinamaan ng bala sa leeg.
Ayon kay Dabet Panelo, Secretary-General ng NUJP, dapat sundin ng mga ito ang safety protocols para maiwasang mangyari ang mga hindi inaasahang insidente katulad ng kay Adam Harvey.
Matatandaang tinamaan ng bala si Harvey sa kanyang leeg habang nasa gitna ng coverage sa isang evacuation center sa Lanao Del Sur capitol.
Facebook Comments