Nag-rally sa harap ng Korte Suprema ang mga miyembro ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP para igiit ang pagbasura sa quo warranto petition ng Solicitor General laban sa ABS-CBN Corporation.
Dala ng grupo ang kanilang mga banners at tarpaulin, isinugaw ng NUJP ang karapatan para sa malayang pamamamahayag at ang pagpapahayag ng pagsuporta sa renewal ng prangkisa ng media network.
Anila, may epekto ito sa press freedom at sa iba pang media outfit sa bansa ang pagbitin sa prangkisa ng ABS-CBN.
Nanawagan din ang NUJP sa Kongreso na manindigan sa kanilang trabaho at aksyunan na ang renewal ng TV network.
Facebook Comments