NUJP, pumalag sa alegasyong “front” sila ng CPP

Manila, Philippines – Umalma ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa alegasyon na “front” ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang NUJP.

Ayon sa grupo – walang katotohanan ang pinalulutang na alegasyon ng isang Mario Ludales, isa sa mga tagapagsalita ng “No to communist terrorist group coalition” at leader ng indigenous people sa Cordillera.

Dahil aniya rito, posibleng malagay sa peligro ang NUJP gayundin ang mga opisyal at miyembro nito.


Kaugnay nito, nanawagan din ang grupo sa Presidential Task Force on Media Security na silipin ang post ng grupong tumarget sa mamamahayag ng inquirer na si Julie Alipala.

Setyembre nang akusahan ng isang kaduda-dudang Facebook group si Alipala na bayarang propagandista ng Abu Sayyaf dahil sa ulat na umano ay pagpatay ng militar sa pitong magsasaka.

Facebook Comments