Number 1 most wanted person sa MIMAROPA, timbog

Nadakip na ng mga otoridad ang most wanted person sa MIMAROPA region dahil sa 63 bilang ng kasong rape.

 

Marso a-bente uno nang maaresto sa kanyang bahay sa barangay Tambaliza, Conception, Iloilo ang 44-anyos na suspek na si Arcel Molino.

 

Ayon kay Supr. Socrates Faltado, Hepe ng Regional Public Information Office ng PNP-MIMAROPA. Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng RTC branch 47 Puerto Princesa City, Palawan. Matapos siyang ireklamo ng panggagahasa ng 16-anyos na babae.


 

Tumakas ang suspek papuntang Cuyo, Palawan at tumawid sa Iloilo sakay ng bangka at doon nagtago sa loob ng halos siyam na taon.

 

Dinala na sa Palawan si molino para iharap sa korte.

Facebook Comments