Number 1 most wanted person ng Palawan na mayroong 19 na kasong rape at sexual abuse, nasakote ng PNP

Kalaboso ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Lunes, March 24, 2025 ang Number 1 Most Wanted Person ng Palawan.

Kinilala ni CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III ang suspek na si alias Bongbong.

Ang suspek ay naaresto sa pamamagitan ng warrant of arrest na isinilbi laban sa kanya mula sa Family Court, Branch 14, Taytay, Palawan.


Si alias Bongbong ay nahaharap sa 9 na bilang ng Statutory Rape by Sexual Assault, 7 counts ng Acts of Lasciviousness at 2 counts ng Qualified Rape of a Minor kung saan walang pyansa na inirekomenda ang korte.

Noong May 20, 2024, ang suspek na isang mangingisda ay isinama ang 2 menor de edad na biktima sa bulubunduking bahagi ng Rizal, Palawan kung saan doon nito ginahasa ang mga batang biktima hanggang sa maulit muli sa mga sumunod na buwan.

Facebook Comments