Number 2, High Value Target ng PNP at PDEA nahuli

170

Dumalinao, Zamboanga del sur—-Arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 9 sa drug buy-bust operation ang number two high value target ng Municipal level na si Rey Rocero , 40 taong gulang ng Brgy. Sumadat, Duamalinao, Zamboanga del Sur.
Nakuha kay Rocero ang apat na sachet na may laman ng pinaghihinalaang shabu at ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.
Ang supek ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang lineman ng Zamboanga del Sur Electric Cooperative o Zamsureco 1,na nakabase sa Pagadian.
High value target si Rocero mula sa municipal list ng PNP at PDEA. Nahaharap siya ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Kenneth Bustamante-dxpr news Team)

Facebook Comments