Number coding, malabo pang ipatupad kung sakaling mag-MGCQ na ang Metro Manila

Hindi pa matiyak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung ibabalik na nila ang number coding kung sakaling ipatupad ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa susunod na buwan.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos hanggang sa kasalukuyan ay maayos pa ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila partikular na sa EDSA.

Pero hindi aniya ibig sabihin na binabaliwala na nila ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.


Giit niya, patuloy pa ring mino-monitor ng MMDA ang daloy ng trapiko sa buong Metro Manila.

Kung sakali aniyang bumigat ang daloy ng trapiko sa Metro Manila, nakahanda naman ang kanilang ahensya na agad tugunan ito.

Itinigil ang pagpatupad ng number coding simula nang ipatupad naman ang community quarantine sa Metro Manila bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments