NUMBER CODING | Number coding scheme, sinuspinde na ng MMDA

Manila, Philippines – Sinuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding ngayong araw.

Ibig sabihin, pwedeng bumiyahe sa kamaynilaan ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2.

Ang suspensyon sa number coding ay kasunod na rin ng pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila dahil sa nararanasang sama ng panahon.


Habang nauna nang kinansela ang pasok sa Quezon City dahil sa gaganaping SONA ng Pangulo.
Gayunman, wala pang abiso ang Makati at Las Piñas kung magsususpinde rin sila ng number coding sa kanilang lugar.

Facebook Comments