Number coding para sa provincial buses, sinuspinde sa May 10, May 11

Suspendido ang number coding para sa mga provincial buses sa Biyernes May 10 at Martes May 14, 2019.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, layon nitong mapadali ang pagbiyahe ng mga uuwi sa mga probinsya para makaboto sa Lunes May 13.

Kasama rin sa nagsuspendi ng number coding ang lungsod ng Makati at Las Piñas.


Ang number coding ay automatic naman na suspendido tuwing holiday.

Facebook Comments