Number coding, posibleng ipatupad na muli sa EDSA – MMDA

Posibleng ibalik na muli ang number coding sa EDSA.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos kasunod ng pagsisimula ng paniningil ng toll fee sa Skyway stage 3.

Ayon kay abalos, inaasahan kasing nasa 20,000 na sasakyan ang madadagdag sa mga daraan sa EDSA dahil dito.


Bunsod niyan, pag-aaralan na ng MMDA na ibalik ang number coding na unang sinuspinde noong nakaraang taon dahil sa kakulangan ng mga sasakyang bumibiyahe sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments