Posibleng palawigin pa ang ipinatutupad na number coding scheme sa Kamaynilaan sakaling nasa ilalim na ito ng Alert Level 1.
Ayon kay MMDA Special Operations Group Head Bong Nebrija, ito ay upang maibsan ang bigat ng trapiko sa Metro Manila ngayong nasa pinakamaluwag na tayo na alert level status simula bukas.
Pero sa ngayon aniya, kinakailangan muna nila ng isang linggo para pag-aralan kung palalawigin pa ang number coding.
Sa kasalukuyan, umiiral ang number coding para sa mga pribadong sasakyan mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Tatagal ang Alert Level 1 sa kalakhang Maynila hanggang Marso 1 kasama ng 38 pang lugar.
Facebook Comments