Number coding sa Metro Manila, inalis ng MMDA

Inanunsyo ng Pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na pansamantalang inaalis ang number coding sa buong Metro Manila.

Ayon kay MMDA Assitant Secretary Celine Pialago, ito ay bilang paghahanda sa ipatutupad na Community Quarantine sa buong Metro Manila sa March 15.

Aniya, layunin nito na makagalaw nang maayos ang mga tao sa loob ng Metro Manila habang ginagawa pa ang guidelines ukol dito.


Hindi naman sinabi ni Pialago kung hanggang kailan iiral ang pag-alis ng number coding sa Metro Manila.

Kagabi, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa Code Red Sublevel 2 na ang status alert ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 dahilan para ipatupad ang Community Quarantine sa buong Metro Manila.

Facebook Comments