Bagama’t ibinaba na sa General Community Quarantine (GCQ), mananatiling lifted ang number coding sa Metro Manila simula bukas hanggang sa Biyernes.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA traffic chief Bong Nebrija, dahil limitado pa rin ang public transportation, minabuti nilang i-lift muna ang number coding para bigyang-daan ang mga babiyaheng frontliners.
Bukod dito, mabibigyan din ng panahon ang mga commuters na makapag-adjust sa kanilang biyahe.
Pinayuhan naman ni Nebrija ang mga commuters na asahan na ang delay at i-adjust ang kanilang travel time.
Samantala, pinalawig din ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng expired drivers’ license hanggang August 1.
Facebook Comments