Number coding sa PUV, sinuspinde

Sinuspinde na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang number coding para sa Public Utility Vehicles (PUV) ngayong araw.

Ito ay dahil sa inaasahang transport strike ng iba’t-ibang grupo.

Ayon sa MMDA, layunin nitong matulungan ang mga pasahero na maaapektuhan nito.

Paglilinaw ng MMDA na sakop lamang sa mga pampublikong sasakyan ang suspensyon nila ng number coding.

Facebook Comments