Number coding sa Quezon City, suspendido bukas, August 19

Suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme sa Quezon City bukas, August 19.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng QC, ito’y bunsod nang pagdiriwang sa lungsod ng anibersaryo ng kapanganakan ni dating pangulong Manuel L. Quezon.

Papayagang maglakbay sa mga pangunahing kalsada at mga lansangan sa Quezon City ang mga sasakyan na ang mga plaka ay nagtatapos sa number 1 at 2.


Idineklara ng Republic Act 6741 ang August 19 bilang special non-working holiday sa Quezon City at Quezon province.

Facebook Comments