Mananatiling suspendido ang number coding scheme at truck ban sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, wala pang full capacity ang mga pampublikong transportasyon habang hindi pa maaaring ibalik ang truck ban dahil kailangang-kailangan maihatid ang mga supply ng pagkain sa maraming panig ng bansa.
Gayunman, sinabi naman ni Garcia na makikipag-ugnayan sila sa Department of Trade and Industry (DTI) upang matukoy ang mga truck na para sa mga “essential goods”.
Facebook Comments