Number Coding Scheme, ibabalik na sa normal kapag nasa normal na ang biyahe ng transportasyon ayon sa MMDA

89

Nilinaw ngayon ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maibabalik lamang ang Number Coding Scheme kapag normal na ang biyahe ng public transportation at kapag bumalik na rin ang dami ng mga sasakyang dumadaan sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, suspendido ang pagpapatupad ng Number Coding Scheme sa Metro Manila kahit nasa mas maluwag ng Alert Level 3 ang National Capital Region o NCR simula ngayon hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Paliwanag ni Abalos, hindi pa rin umano nakababalik sa normal ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan bagama’t aniya bumababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID -19.


Giit ni Abalos, mahihirapan ang publiko kapag naibalik na ang Number Coding Scheme sa Metro Manila.

Facebook Comments