Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan na magpapatuloy pa rin ang ipinapatupad na number coding scheme sa mga pampasadang tricycle sa lungsod.
Ito ay sa kabila ng ipinalabas na kautusan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na nagtatakda na alisin ang umiiral na unified coding scheme sa buong probinsya.
* EXECUTIVE ORDER NO. 2020 – 23, SERIES OF 2020*
*‘AN ORDER LIFTING THE UNIFIED NUMBER CODING SCHEME FOR PRIVATE VEHICLES AS PROVIDED IN SECTION 2.2 OF PROVINCIAL ORDINANCE NO. 2020-15-3 SERIES OF 2020; AND SUBJECT TO LOCAL ORDINANCES, ALL NUMBER CODING SCHEMES ON PUBLIC AND PRIVATE TRICYCLES PROVIDED THAT THE MINIMUM HEALTH STANDARDS AND SOCIAL DISTANCING REQUIREMENTS ARE OBSERVED.’*
*
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, malayang makakapagbiyahe ang mga pribadong sasakyan at single motorcycle sa siyudad habang iiral naman ang coding scheme sa mga pumapasadang tricycle.
Giit pa ni Dy, nakipag-ugnayan na ito kay Governor Rodito Albano III na ipagpatuloy ang ipinapatupad na coding scheme sa mga pampasadang tricycle sa siyudad.
Ipinag-utos din ng alkalde sa apprehension team na hulihin ang mga tricycle driver na lalabag sa number coding scheme.