NUMBER CODING SCHEME SA DAGUPAN CITY UMARANGKADA NA NGAYONG ARAW

DAGUPAN CITY – Nag-umpisa na ngayon araw ang number coding scheme na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan habang nasa ilalim ng general community quarantine ang lungsod. Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dagupan PNP Chief P/Lt. Col. Abubakar Mangelen Jr., sinabi nitong mas hinigpitan na nila ang pag-papatupad ng nasabing coding scheme katuwang ang Public Order and Safety Office (POSO).

Ito ay upang maiwasan ang dagsa ng mga sasakyan sa central business ng Dagupan City. Sa nasabing ordinansa hindi pwede puasok ngmain roads ng Dagupan city ang mga sasakyang nagtatapos ng 1 at 2 ngayong lunes 3 at 4 pag martes 5 at 6 pag miyerkules 7 at 8 pag hwebes habang 9 at o pag biyernes habang kanselado ang coding pag sabado at linggo.

Matatandaan na hiniling na din mismo ni Mayor Marc Brian Lim na ipasa ang nasabing ordinansa para maiwasan ang maraming sasakyan na nasa kakalsadahan ng lungsod.


Facebook Comments