Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mananatiling suspendido ang pagpatutupad ng Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ito umano ay kahit nasa mas maluwag ng quarantine classification o Alert Level 3 ang Metro Manila simula bukas Oktubre 16 hanggang Oktubre 31.
Paliwanag ni Abalos, bagama’t bumababa umano na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hindi pa rin nakababalik sa normal ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan at transportasyon sa NCR.
Dagdag pa ng opisyal ng MMDA, mahihirapan umano ang taumbayan kapag naipatupad muli ang number coding at ibabalik lang ang number coding sceme kapag normal na ang biyahe ng public transportation at kapag bumalik na rin ang dami ng sasakyan na dumadaan sa mga pangunahing lansangan.