Number coding scheme sa Metro Manila, suspendido muna sa Pasko at bagong taon

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang umiiral na number coding scheme para sa darating na Pasko at Bagong taon.

Batay sa MMDA, ang number coding scheme para sa provincial buses at private at public utility vehicles sa Metro Manila ay suspendido sa mga susunod na araw:

• December 25, Saturday (Christmas Day)
• January 1, 2022, Saturday (New Year’s Day)


Habang ang ipinatutupad na rush hour number coding scheme mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi sa Metro Manila ay suspendido sa:

• December 24, Friday (Christmas Eve)
• December 30, Thursday (Rizal Day)
• December 31, Friday (New Year’s Eve)

Paliwanag ng MMDA, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 7 at 8 na sakop ng coding tuwing Huwebes at 9 at 0 na sakop ng coding tuwing Biyernes ay maaaring bumiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila buong araw.

Facebook Comments