Cauayan City, Isabela- Inalis na ang number-coding scheme sa mga pampublikong sasakyan sa Lungsod ng Ilagan na layong bigyan ng panibagong oportunidad sa paghahanap-buhay ang mga driver operator.
Ito ay batay sa ipinalabas na Executive Order No. 28 na pirmado ni City Mayor Jay Diaz.
Ayon sa EO, kinikilala nito ang kapakanan ng mga driver operator at isinasaalang-alang ang sitwasyon ng mga commuter’s para sa kanilang araw-araw na pagtatrabaho kung magpapatuloy ang paglimita sa mga sasakyan.
Kaugnay nito, lilimatahan pa rin ang mga pasahero ng tricycle sa isa habang mahigpit pa rin na ipatutupad ang 1-meter distance sa mga pasahero ng bus, mini bus, coasters, van at jeep at 50% lang ang magiging pasahero ng mga ito.
Habang mananatili pa rin ang isang sakay sa harap ng mga pribadong sasakyan habang dalawa sa back seat.
Mahigpit na ipatutupad ang number-coding scheme at ang mga nasabing pampublikong sasakyan ay iiral lamang sa pamamasada sa lungsod.
Ipinapaalala pa rin ng mga awtoridad ang pagsusuot ng facemask at sumunod sa alituntunin kahit na nasa ilalim pa rin ng General Community Quarantine ang siyudad.