Epektibo na ngayong linggo ang pagpapatupad ng number coding scheme sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, nagkasundo ang mayorya ng NCR mayors na ibalik ang nasabing traffic scheme tuwing afternoon rush hour.
Ipapatupad ito mula Lunes hanggang Biyernes mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Sakop lamang nito ang mga pribadong sasakyan habang exempted ang mga public utility vehicles dahil nag-o-operate pa rin sila sa limitadong kapasidad sa ilalim ng Alert Level 2.
Samantala, ang aktwal na implementasyon ng number coding scheme ay magsisimula dalawang araw matapos na mailathala ang resolusyon sa Official Gazette bukas.
Facebook Comments