Sinuspinde na ng MMDA ang Number Coding Scheme ngayong araw.
Sa kanyang Facebook Page, sinabi ni MMDA Spokesperson Asec. Celine Pialago, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 ay papayagang dumaan sa EDSA at iba pang lansangan sa Metro Manila mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.
Ayon kay Michael Salalima, pinuno ng Mmda DRRMC, ginawa ito kasunod ng epekto ng ash fall mula sa nag-aalburutong Bulkang Taal.
Ang MMDA ay kasalukuyang naka Blue Alert, kung saan makikipag-ugnayan na ito sa lahat ng DRRMO ng Metro Manila.
Naka-stand by na rin ang kanilang Disaster, Emergency at Medical Teams na posibleng ipadala sa mga lugar na apektado ng Bulkan.
Mamayang alas-10:00 ng umaga ay magpupulong ang mga kintawan ng Local DRRMO para pag-usapan ang mga dapat gawin kasunod ng perwisyong dulot ng pagputok ng Bulkan.