Number coding, suspendido sa araw ng Miyerkules, June 5

Suspendido ang number coding para sa araw ng Miyerkules, June 5.

Sa inilabas na abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ito ay para sa pakikiisa sa mga Muslim sa paggunita ng Eid’l Fitr.

Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo bilang tanda ng pagtatapos ng isang buwang Ramadan.


Pinaalalahanan naman ng MMDA ang publiko na maagang planuhin ang kanilang mga lakad.

Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation no. 729, Series of 2019 para sa deklarasyon sa Feast of Ramadhan o Eid’l Fitr sa June 5 bilang regular holiday.

Facebook Comments