Numero imbes na letra, mabisang gamitin sa 2022 eleksiyon – Namfrel

Naglatag ng suhestiyon ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa Commission on Elections (COMELEC) para sa nalalapit na pagdaraos ng 2022 National Election.

Ayon sa Namfrel, imbes na alphabetical ang listahan ng mga kandidato ay dapat na gawin na itong numero.

Sa ilalim ng proposal, maghahanda ng isang numero ang kandidato sa harap ng iba pang partido o representative.


Ilalabas naman ito ng COMELEC bago pa magsimula ang kampanya.

Nabatid na sa pamamagitan ng plano, maiiwasan ang paggamit ng mga alias ng mga kandidato na kadalasang nasa unahan ng listahan dahil gumagamit ng letrang ‘A’.

Tulong din ito sa mga botanteng malalabo ang mata dahil magiging madali na ang paghahanap ng numero imbes na letra.

Facebook Comments