Numero Ng Mga Kandidato Sa Survey, Dikit Pa Rin

6

MANILA – Lumalabas sa latest Pulse Asia Survey na dikit pa rin ang mga numero ng mga kandidato at wala pa ring nakaka-abante.Ayon kay Daang Matuwid Coalition Spokesman Rep. Barry Guttierez, halos hindi naalis sa pwesto si Liberal Party Presidential Candidate Mar Roxas na nakakuha ng 19 percent.Aniya, inaasahang maglalaro sa 20 hanggang 25 percent ang ratings ni Roxas hanggang sa malapit na ang eleksyon.Paliwanag ni Guttierez, habang tumatagal ay mas lalong nakikita ng publiko ang pagpapatuloy ng pag-unlad na dala ni Roxas.Giit nito, sa huling 39 na araw ng kampanya, aangat ang mensahe ni Roxas laban sa lahat ng paninira at pamemeke na patuloy na inilalabas ng mga katunggali niya sa pagka-pangulo.

Facebook Comments