Monday, January 19, 2026

NUP, hindi susuporta sa planong impeachment kay PBBM

Tiniyak ng National Unity Party o NUP na hindi nila susuportahan ang umano’y planong impeachment kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ayon kay House Deputy Speaker Ronaldo Puno na sya ring Chairman ng NUP, wala silang makitang matibay na grounds kung saan ibabatay ang impeachment complaint laban kay PBBM.

Diin ni Puno, ang mga paratang laban kay President Marcos ay pawang haka-haka lamang at walang sapat na batayan.

Ikinumpara ito ni Puno sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na may basehan at dumaan na sa masusing imbestigasyon ng komite sa Kamara.

Facebook Comments