
Pinag-iisipan ngayon ng National Unity Party (NUP) na kumalas sa Mayorya at lumipat sa Minorya ng Kamara.
Ayon kay NUP Chairman at House Deputy Speaker Antipolo City 1st District Rep. Ronaldo “Ronnie” Puno, ito ang pag-uusapan ng nasa 40 mga kongresistang kasapi ng NUP sa nalalapit na recess ng session simula sa susunod na linggo.
Ang dahilang binanggit ni Puno ay dahil hindi sila kuntento o hindi natutuwa sa mga hakbang ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III na puro pangako pero walang sagot sa mga idinudulong nilang problema sa kanilang mga distrito.
Kabilang sa mga binanggit ni Puno na problema ang late na pag-release o paglalabas ng budget para sa ilang social services sa kanilang mga distrito gayundin ang nadiskubre nilang hindi na-download ng Department of Budget and Management (DBM) na pondo para sa mga proyekto.
Nilinaw naman ni Puno na hindi nila hinahangad na isulong na mapalitan ang speaker dahil hindi sapat ang kanilang bilang para ito ay gawin.










