NUPL, naghain ng manifesto sa SC kaugnay ng oust-Duterte matrix

Naghain ng manifesto ang National Union of Peoples’ Lawyer (NUPL) sa Korte Suprema dahil sa pagkakasama nila sa “oust-Duterte” matrix na inilabas ng isang pahayagan.

Sa kanilang manifestation, hiniling ng NUPL na ikonsidera ng Supreme Court (SC) sa kanilang hirit na temporary protection order ang pagkakasama nila sa pangalan ng mga organisasyon, abogado at media na sangkot para siraan at patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.

Sa nasabing matrix na inilathatla ng isang pahayagan, tinukoy ang NUPL na isa sa mga dawit sa pagpapakalat ng online videos ng isang nagngangalang “Bikoy” na naghayag ng umano’y pagkakasangkot ng pamilya Duterte sa kalakalan ng iligal na droga.


Binanggit pa ng mga petitioner ang artikulo na isinulat ng kolumnistang si Rigoberto Tiglao na nag-uugnay sa NUPL sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ayon sa NUPL – malisyoso, reckless at walang basehan ang mga alegasyon sa kanila kaya muli nilang hinihiling sa Supreme Court (SC) na paboran ang kanilang hirit na TPO laban sa mga respondent.

Una nang naghain ang NUPL sa Korte Suprema ng writ of amparo; writ of habeas data at temporary protection para itigil na ang pagbabanta sa kanila at para maprotektahan sila laban sa mga respondents na si Pangulong Rodrigo Duterte at mga matataas na opisyal ng militar.

Facebook Comments