Nur Misuari, dapat bantayang mabuti ng AFP

Pinababantayang mabuti ni Senator Panfilo Ping Lacson sa Armed Forces Of The Philippine o AFP si Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

 

Sabi ni Lacson, mainam din na palaging nasa tabi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Misuari.

 

Mensahe ito ni Lacson makaraang sabihin ni Pangulong Duterte na nagbanta ng gera si Misuari sakaling hindi maisakatuparan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong federalism.


 

Dagdag pa ni Lacson, kailangan ding bantayang mabuti si Misuari habang itinatatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

Kaugnay nito ay sinabi ni Lacson na ang pagsasapubliko ni Pangulong Duterte sa banta ni Misuari ay nagpapakita ng patuloy na pagpupursige nito na matupad ang federalism.

Facebook Comments