Nurse mula sa Bacolod City tinulungan ang inang manganganak sa eroplano

Images via FB/Francis Dominic Mendoza

Hinangaan ng publiko ang kabayanihan ng isang nurse mula sa Bacolod City matapos tulungan ang isang Pilipinang napaanak sa loob ng eroplano.

Ayon kay Francis Dominic Mendoza, lulan sila ng eroplanong Qatar Airways mula Doha at pauwi na ng bansa nang mangyari ang hindi inaasahang pagkakataon.

Nagsimula maglabor ang babae bandang alas-singko ng umaga sa bandang Thailand kaya agad itong inasikaso ng nurse. Nagsagawa ng emergency landing ang eroplano sa Bangkok para mabigyan ng medical assistance ang nanay at sanggol.


Ani Mendoza, nagtulong-tulong sila ng mga Pinoy cabin crew upang ligtas na makapanganak ang ina ng munting anghel. Gumamit sila ng mga improvised materials mula sa eroplano at available first aid kit.

“I have never been so happy and fulfilled as a nurse! Assisting this woman who bravely delivered a healthy baby boy inside the plane while we were in the middle of the flight was just so Amazing. Nothing more!!!!” mensaheng isinulat ni Mendoza sa kanyang Facebook post.

Si Mendoza ay nagtratrabaho bilang nurse sa Dublin, Ireland.

Facebook Comments