Nurse na hinarang ng mga otoridad sa Pagadian, hindi supporters ng Maute sabi ng PNP

175

Pagadian, Philippines – Nag negatibo sa paraffin test ang dalawang babae na hinuli ng otoridad sa isang pharmacy sa lungsod ng Pagadian, lumabas sa imbestigasyon na walang sapat na ebidensya ang pulisya upang ikustodiya sina Reem Sacampong Arimao, isang nurse, at kasama nitong si Amal Sacampong Arimao na kapwa nakatira sa Ramainm Lanao Del Sur.

Ang dalawa ay una ng inakusahang supporters ng Maute Group ngunit itinanggi ito maging ng kanilang pamilya.

Samantala, isinailalim naman sa masusing imbestigasyon ang iba pang dalawang lalaki na hinihinalang supporters ng Abu Sayyaf Group na sina Jadzrie Saabdula at Jamal Jamil.


Ngayon naghihintay pa ng feedback mula sa ibang yunit ang kapulisan ang PNP Zamboanga del Sur upang malaman kung may kinalaman ba lakad ng ASG ang mga ito.

Facebook Comments