Nurse na Pilipina sa USA, hinuli dahil sa trespassing at attempted kidnapping

853
Image from Vacaville Police District

Dinakip ng mga pulis sa Califonia, USA ang isang Pinay nurse matapos siyang ireklamo ng trespassing at planong pagkidnap sa isang musmos.

Pahayag ng Vacaville Police, nakatanggap sila ng tawag tungkol sa isang babaeng kahina-hinala ang kilos.


Ayon umano sa complainant, kinukuhanan nito ng litrato ang lahat ng tao at sasakyang dumadaan sa labas ng Cooper Elementary School.

Makalipas ang ilang sandali, kinuha ng OFW ang isang apat na taong gulang na bata at tinatawag niya raw itong “Brian”.

Nagpanggap na guro ang nasabing nurse para makapasok sa paaralan.

Kaagad naman nabawi ang paslit. Ngunit sa isa pang hiwalay na pangyayari, sinubukan ng kababayan na buksan ang isang sasakyan na may mga batang nakasakay.

Depensa ng mga kaanak ng nurse, may problema na siya sa pag-iisip.

Teorya ng pamilya, hinahanap ng kababayan ang supling na nagngangalang “Brian” kaya nagtatanka siyang mandukot ng mga musmos.

Nakipag-ugnayan na sa awtoridad ang kamag-anak ng kababayan natin para maipasuri siya sa espesyalista sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments

From Advertisers