Nurses’ group, hindi suportado ang ‘mass resignation’ ng mga health worker

Hindi hinihimok ng Philippine Nurses Association (PNA) ang plano ng mga health workers na magsagawa ng mass resignation.

Pero ayon sa grupo, hindi nila masisisi ang mga medical frontliners na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang mga benepisyong ipinangako sa kanila ng gobyerno gaya ng hazard pay.

Ayon pa kay PNA national president Melbert Reyes, hindi kasi talaga nararamdaman ng mga health workers ang pagpapahalaga at malasakit ng gobyerno sa mga sakripisyo nila sa laban sa COVID-19.


Katunayan, 14% na ng mga nurse sa mga pribadong ospital ang nag-resign na sa kanilang trabaho.

Facebook Comments