Nurses, pinag-iingat sa illegal recruitment papunta sa Germany

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga Filipino Nurse na naghahanap ng trabaho laban sa illegal recruitment papuntang  Germany, sa ilalim ng tinatawag na Triple Win Project.

 

Sabi ng POEA, may isang website na ginagamit ang mga illegal recruiters upang makaakit ng mga aplikante na nangangako ng trabaho para sa mga nurse sa nasabing bansa.

 

Ayon kay POEA Administrator Bernard P. Olalia, hindi dapat i-sumite online ang aplikasyon ng isang aplikante ang kanilang personal na impormasyon. Sa halip, isumite ang kanilang dokumento  sa Manpower Registry Division ng POEA.


 

Paliwanag ni Olalia, ang Triple Win Project ay magkasamang inisyatibo sa pagitan ng Pilipinas at Germany upang tulungan ang mga kwalipikadong nurse sa bansa na makapagtrabaho sa Alemanya at tanging POEA lamang  ang mangangasiwa ng buong proseso ng pagre-recruit at pagde-deploy ng mga aplikante dito sa Pilipinas.

 

Walang ibang taga-labas na ahensiya ang awtorisadong gumawa nito para sa POEA, paliwanag ni Administrator Olalia.

 

Dahil dito, hinihikayat ng POEA ang lahat ng aplikante na maging mapagbantay laban sa mga illegal recruiter at itawag ang anumang kahina-hinalang gawain ng mga ito sa POEA Anti-Illegal Recruitment Branch sa 722-11-92 o sa POEA Hotline numbers 722-11-44 o 722-11-55.  (DZXL Radyo Trabaho – RadyoMaN Ronnie Ramos)

 

Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014

Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

Facebook Comments