Tutulungan ng Commission on Higher Education o CHED ang mga nursing graduate na hindi pasado sa licensure exam na makapasa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera III na sa 100 porsyentong mga kumukuha ng nurse licensure exam, 50% rito ay hindi nakapasa.
Pero, hindi aniya ibig sabihin nito na wala na silang pag-asa pang maging nurse.
Sinabi ni De Vera, kahit hindi pumasa sa pagsusulit ang mga ito, nakapagsanay na ang mga ito sa mga ospital at nakatapos ng nursing program kaya mayroon na silang skills.
Dapat lamang aniya silang tulungan para makapasa at maging ganap na nurse kalaunan.
May-alok aniya ang Department of Health (DOH) at pribadong mga ospital katuwang ang CHED na kuhanin ang serbisyo ng mga ito para sila ay maging healthcare assistant at healthcare associate muna kasabay ng kanilang pagre-review para makakuha muli ng pagsusulit at tuluyang makapasa sa nursing exam.