Pabor ang Department of Education sa hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina na mamahagi ng masustansyang tinapay na nutribun sa mga mag-aaral.
Ayon sa DepEd, sang-ayon sila sa anumang feeding program na
makakatulong sa kalusugan at edukasyon ng mga bata.
Paliwanag ng DepEd, mahalaga na malakas ang katawan ng mga bata para makapag-aral nang maayos.
Binanggit na hindi natututo ang isang bata kapag kumakalam ang tiyan at mahina ang katawan dahil sa malnutrisyon.
Mahigpit na ipinagbabawal ng DepEd ang paglalako ng sitsirya at inuming may masamang epekto sa katawan ng mga bata.
Ang pamamahagi ng nutribun sa paaralan ay isa sa mga programa ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos para maagapan ang malnutrisyon noong 1971 sa ilalim ng Food for Peace program ng United States.