Nutrisyon Mo, Sagot Ko program ng National Nutrition Council, nagbigay ng mga tipid tips para sa mura at masustansyang pagkain para sa pamilyang Pilipino

Ibinahagi sa episode 15 ng programang Nutrisyon Mo, Sagot Ko! ng National Nutrition Council ang pagkakaroon ng mura at sapat na pagkain para sa pamilyang Pilipino.

Tinalakay ni Ms. Ma. Shiela Anunciado, Program Manager ng Food Security and Nutrition ng Philippine Program ng International Institute of Rural Reconstruction o IIRR ang mga tipid tips para maging affordable pa rin ang wastong nutrisyon ng pamilya.

Ang IIRR ay isang non-profit, Non-Government Organization na nagsasagawa ng mga programa na layong palakasin ang mga pamayanan para mabawasan ang kahirapan.


Dito iginiit ni Anunciado na hindi kinakailangan ng maraming pera para magkaroon ng sapat na pagkain ng isang pamilya na may limang miyembro.

Marami aniyang paraan para makakain ang isang indibidwal ng tamang uri, tamang kalidad ng masustansyang pagkain sa araw-araw sa murang halaga.

Kabilang aniya rito ang pagtatanin ng ibat ibang uri o katutubong gulay sa bakuran, bilhin ang mga napapanahon pagkain, planuhin ang paghahanda ng pagkain, bumili ng sapat sa pangangailangan upang maiwasan na masayang ito.

Magkaroon ng tamang impormasyon sa proseso ng pag-iimbak ng pagkain upang maiwasan ang mabilis na pagkasira ng pagkain.

Binigyang-diin din ni Anuciado na mas makakamura na magluto sa bahay kapag marami ang miyembro ng isang pamilya at makakatiyak na malinis pa ang paghahanda nito.

Facebook Comments