Prayoridad ang nutrisyon ng mga batang Dagupeno alinsunod sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 120-day Supplementary Feeding Program o SFP.
Nasa higit dalawang libo na mga day care pupils ang kabilang sa nasabing programa maging magiging benepisyaryo pa ng mga health programs na inihahanda ng kasalukuyang administrasyon.
Tinaggap naman mula sa ahensya ang unang batch ng mga food items tulad ng macaroni pasta, spaghetti pasta with sauce, bihon, whole grain cereal, oatmeal, all-purpose flour, evaporated filled milk, pineapple tidbits, yogurt drink, choco-powdered drink, apple, pears, nutribun, white bread, sandwich spread, tomato sauce, vegetable oil, canned tuna flakes in vegetable oil, veggie noodles, monggo, rice, malagkit rice, egg, chicken breast, chicken legs, pork giniling, lean pork, squash, sayote, saging na saba, high calorie and protein biscuit, brown rice crisp bar at micronutrient powder.
Tinututukan ang kapakanang pangkalusugan ng mga bata sa lungsod alinsunod sa layuning masugpo ang kaso ng malnutrisyon at pagkabansot sa mga bata at upang makatanggap ang mga ito nararapat na nutrisyon at atensyon na magtataguyod ng kanilang kalusugan. |ifmnews
Facebook Comments