NUTRISYON NG MGA KABATAANG DAGUPEÑO, MAS TUTUTUKAN

Mas tututukan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang kapakanang pangkalusugan partikular sa nutrisyon ng mga kabataang Dagupeno matapos ang naganap na Luzon Launch ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 na pinangunahan ng acting mayor ng lungsod ng Dagupan.
Saklaw nito ang talakayin kaugnay sa pagtugon ng mga uri ng kinahaharap na malnutrisyon sa mga bata, ang stunting and wasting o ang pagkabansot, overweight and obesity o sobra sa timbang maging ang micronutrient deficiencies.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng National Nutrition Council (NNC) at nilahukan naman ng iba’t-ibang mga national government agencies, non-government organizations, local government units at mga private sectors para sa kabuuang paghahanda at ibababang mga plano sa mga lokal na gobyerno sa bansa ukol sa pagsugpo ng naturang isyu.

Samantala, matatandaan na sa lungsod ng Dagupan ay isinusulong ang iba’t-ibang programa para bigyang pansin ang kalusugan at nutrisyon lalo na ang mga bata at kabataan sa pagkamit ng naturang adhikain. |ifmnews
Facebook Comments