Nutrisyong sapat para sa healthy GUT, tinalakay ng NNC

Usapang tungkol sa healthy GUT o gastro-intestinal tract ang sentro ng talakayan sa episode 13 ng Nutrisyon Mo, Sagot Ko ng National Nutrition Council (NNC).

Sa tulong ng guest expert na si Dr. Russellini Magdaong, chairperson ng Philippine Society of Gastroenterology – Council of Nutrition, ipinaliwanag nito kung ano ang GUT, mga sakit sa bituka at tiyan, paano ito maiiwasan at malulunasan.

Ayon kay Dr. Magdaong, importante ang GUT system dahil ito ang tumutunaw ng pagkain at tumutulong sa ating katawan para ma-absorb ang mga kinakailangan nutrients sa ating katawan.


Paliwanag ni Dr. Magdaong, mayroong mga good at bad bacteria sa ating digestive system kaya kinakailangan ang tamang nutrisyon para maprotektahan ng ating bituka.

Kabilang aniya sa senyales na hindi healthy ang ating GUT ay ang pagkakaroon ng impeksyon tulad ng UTI, pagkakaroon ng LBM, abdominal pain at iba pa.

Payo nito, dapat ay magkaroon ng balanse at health diet, iwasan ang matataba at maaanghang na pagkain, pag-inom ng alak at paninigarilyo para mapangalaan ang good bacteria para sa healthy GUT.

Facebook Comments