Minonitor ng National Nutrition Council o NNC Region I ang Local Nutrition Early Warning System o LNEWS ng Bayambang sa unang quarter ng 2023 matapos itong bumisita sa munisipyo.
Pangunahing programa ito ng NNC taun-taon kung saan nagkakaroon ang mga ito ng monitoring activity sa mga munisipalidad at hindi lamang regular na naipapatupad dahil sa pandemya.
Ang pagmomonitor na ito ng naturang ahensya sa munisipalidad ay para mailatag nila ang kanilang mga hakbangin para pagsisiguro ng maayos na nutrisyon ng mga kabataan sa lugar.
Pinakinggan rin ng mga NNC R1 validator ang mga naging accomplishments ng MNC pati na rin ang kanilang mga nakikitang problema lalo na sa supply at seguridad ng pagkain sa naturang bayan.
Dumalo naman sa aktibidad na ito ang core group member ng LNEWS at ilang mga department heads ng Agriculture office, Rural Health Unit I at MDRRMO para sagutin ang mga katanungan at pakinggan ang mungkahi ng mga validators.
Nakita naman ng NNC-R1 na ang LGU-Bayambang ay may maraming programa na napapatungkol sa food sustainability, kalusugan, at nutrisyon pati na rin ang konstruksyon ng Pantol-to-San Gabriel II Road with Bridge project kung saan mapabibilis nito ang transaksyon ng mga produkto ng mga vegetable farmers sa merkado.

Facebook Comments