Ipinagdiwang ng mga residente ng Bonuan Binloc at Sitio Korea Child Development Center ang Nutrition Month 2025 sa temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!”
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagpamahagi ng bitamina, micronutrients, school supplies, Diabetasol nutrition powder, at mga gift packs para sa mga bata at matatanda.
Nakiisa rin ang mga barangay volunteers mula sa Bonuan Binloc, Bonuan Gueset, Bonuan Boquig, Calmay, at Pantal upang masiguro ang matagumpay ang aktibidad.
Naglalayon ang programa na itaguyod ang tamang nutrisyon at labanan ang gutom sa komunidad.
Bukod sa masustansyang pagkain, binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagbabahagi at hindi pag-aaksaya ng pagkain.
Sa pagkakaisa ng komunidad, patuloy ang hangarin na makamit ang isang malusog at masiglang Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









