NVOC, bineberipika ang ulat na nasayang umano ang 24,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Region 6

Bineberipika na ng National Vaccination Operations Center (NVOC) kung totoo ang report na may 24,000 doses ng COVID-19 vaccines sa Region 6 ang nasayang matapos tamaan ng Bagyong Odette.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NVOC Chairperson & Health Usec. Myrna Cabotaje na karaniwang dahilan ng pagkasira ng bakuna ay hindi namementena ang kailangang temperatura dahil sa kawalan ng kuryente o di naman kaya ay hindi gumana ang emergency generators.

Kasunod nito, iginiit ni Cabotaje na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala sa mga lokal na pamahalaan upang maiwasan ang vaccine wastage.


Ang nasabing vaccine wastage ay maliban pa sa unang napaulat na 600 doses o 100 vials ng Pfizer sa Iloilo Province dahil lumagpas naman sa 30 days storage period.

Facebook Comments