Susumahin na lamang ng National Vaccination Operations Center (NVOC) ang bilang ng mababakunahan sa 2nd round ng National Vaccination Days.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni NVOC Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje kung nung unang sigwada ay nagbibigay sila ng bilang ng mga nabakunahan sa kada araw, sa ngayon ay tatapusin na muna ang anim na araw na malawakang bakunahan.
Hindi kasi sabay-sabay ang pag-arangkada ng 2nd round ng National Vaccination Drive dahil may ilang mga lugar sa bansa ang sinuspinde pansamantala ang bakunahan dahil sa Bagyong Odette.
Kasunod nito, kumpyansa ang NVOC na makakamit ng pamahalaan ang target nitong 7-M na mababakunahan sa nagpapatuloy na malawakang bakunahan.
Karamihan sa mababakunahan ngayon ay ‘yung mga tatanggap ng 2nd dose, booster shot at pediatric vaccination.