NVOC, inaming mayroon pa ring mga “choosy” sa COVID-19 vaccine

51

Ilang indibidwal pa rin ang mayroong vaccine preference, o namimili ng partikular na brand ng COVIID-19 vaccine na ituturok sa kanila.

Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje na sa nakalipas na tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan, nakatanggap ng isolated reports ang NVOC kaugnay rito.

Ang iba aniyang indibidwal ay bumabalik na lamang sa mga vaccination center.


Ayon kay Usec. Cabotaje, marami pa namang araw na maaaring bumalik ang publiko para sa nais nilang brand ng bakuna.

Gayunpaman, mas mainam pa rin kung mababakunahan sa lalong madaling panahon lalo na’t may binabantayan na namang panibagong COVID-19 variant.

Nilinaw pa nito na hindi naman maaaring pilitin ng pamahalaan ang mga indibidwal na magpabakuna ng brand na available sa mga vaccination sites.



Gayunpaman, kinukumbinse nila ang mga ito na lahat ng bakuna ay mabisa at ligtas.

Facebook Comments