Hiniling na ng Kamara sa National Water Regulatory Board (NWRB) at Local Water Utilities Administration (LWUA) na simulan nang ipatupad ang short-term measures para tugunan ang krisis sa suplay ng tubig.
Giit dito ni outgoing House Speaker Gloria Arroyo ay dapat magpasaklolo na ang LWUA at NWRB sa mga karatig lalawigan sa pamamagitan ng water districts upang umayuda sa nararanasang problema sa Metro Manila.
Hinimok rin nito ang mga kinauukulang ahensya na humanap ng iba pang paraan upang maresolba agad ang water shortage kabilang na ang mabilis na implementasyon ng infrastructure projects na may kinalaman sa pagpaparami ng suplay.
Una nang isinulong ng outgoing Speaker ang House Bill 8068 para sa pagtatatag ng Department of Water, Irrigation, Sewage and Sanitation Resource Management pero muli itong ihahain sa pagpasok ng 18th Congress.